 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 05 October 2026 |
| |
|
Bakod. Seguridad ng ating tahanan at pag-aari ang layunin ng pagtatayo natin ng bakod. Ligtas at malayo nga naman sa panganib sa loob ng ating mga bakuran.
Subalit kung minsan, ang bakod ay nagmimistulang kulungan na humahadlang sa atin para puntahan ang kapwa. Ang bakuran ay sagisag ng ating 'comfort zone' na kung minsan ay ayaw na nating lisanin para magmalasakit sa iba.
Sa talinghaga ng Mabuting Samaritano, hinihimok tayo ni Hesus na buwagin ang bakod ng pagkakabahagi. Walang anumang pagkakahati - dahil sa lahi, kulay o relihiyon - ang dapat na maging hadlang para dumamay sa nangangailangan. Pinatotohanan ng Mabuting Samaritano na "ang pag-ibig ay walang kinikilalang hangganan."
Ang talinghaga ay paanyayang lumabas tayo sa bakuran ng pagkamakasarili upang tumungo sa mga pook na nangangailangan ng paglingap at paghilom.
*Lunes sa Ikadalawampu't Pitong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|