Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
11 October 2026
 
Priority. Posible palang tanggihan ang alok ng Diyos ng pag-ibig, hindi dahil ayaw natin sa kanya, kundi dahil may iba tayong itinuturing na mahalaga.

Subalit ang alok ng pag-ibig Niya ay nagaganap araw-araw. Kailangang masanay ang ating puso na piliin ang katwiran at kabutihan.

Sa talinghaga ng kasalan, ang "wastong kasuotan" ay sagisag ng kasanayan (habit) sa pagpanig sa kabutihan. Ang kahulugan ng 'habitus' sa wikang Latin ay ang bagay na lagi nating dala o suot. Ang ating ginagawang palagi ay nagiging gawi. Ito ang humuhubog sa ating karakter.

Sanayin natin ang ating puso na suotin ang damit ng kabutihan.

*Ikadalawampu't Walong Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN