Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
13 October 2026
 
Paglabag. Tahasang sinalungat ni Hesus ang kinagisnang tradisyon ng kanyang mga ninuno. 'Nilabag' niya ang ilang batas at kostumbre ng Judaismo -- para iwasto at punahin ang kahungkagan ng mga ito.

"Make a mess," ang hamon ni Papa Francisco sa mga kabataan sa isang World Youth Day event. Minsan kailangang guluhin ang lumang kaayusan at gulatin ang natutulog na budhi ng lipunan upang manumbalik tayo sa pagkabatid ng tunay na mahalaga sa buhay.

*Martes sa Ikadalawampu't Walong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN