Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
15 October 2026
 
Uliran. Walang halaga ang seremonyas ng pagpaparangal sa mga bantayog ng mga bayani, kung ang gumagawa nito ay taksil at nagnanakaw sa kaban ng bayan. Gayakan man natin ng mamahaling bulaklak ang mga imahen ng poon, kung taliwas naman ang ating pamumuhay sa iniwan nilang mga aral, huwad ang ating pagpaparangal.

Ang mga bayani at banal ay ating parangalan, hindi lang ng mga seremonyas at ritwal, kundi ng ating ulirang pamumuhay.

*Huwebes sa Ikadalawampu't Walong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN