Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
22 October 2026
 
Hiram. Mahirap magpahiram ng gamit o pera. May panganib na di na ito maibalik o mabayaran. Malimit ay tiwala lamang ang ating pinanghahawakan.

Sa ebanghelyo, ipinaalaala sa atin na ang lahat ng mayroon tayo ay hiram lamang. Kaya nga, kapag may namamatay, sinasabi nating 'binawi na ang hiram na buhay.'

Sa pagdating ng takdang oras, magbibigay-sulit tayo sa Diyos. Paano tayo naging tapat na lingkod at katiwala ng buhay na hiram? Maibabalik ba natin ito sa May-ari na may saganang bunga at pakinabang?

"Carpe diem." Seize the day. Bawat sandali ay dapat pagyamanin at gamitin nang mahusay. Ito ang tanging paraan para magkapasalamat sa Diyos na siyang pinagmulan ng lahat.

*Miyerkules sa Ikadalawampu't siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN