Sa Isang Salita ni Msgr. Noel

24 November 2026

Katapusan. Ang salitang 'temporal' at 'temporary' ay hango sa wikang Latin, 'tempus,' na ang kahulugan ay 'oras.' Lahat ng nabubuhay sa panahon ay may wakas.

Ang mga bagyo, lindol at delubyo ay paaalaala ng karupukan ng ating makataong pag-iral. Dapat nating gugulin nang makabuluhan ang ating panahon dito sa lupa.

Subalit hindi dapat katakutan ang wakas sapagkat ito ay hudyat ng pagsisimula ng bagong kaayusan kung saan ang Diyos ang maghahari sa lahat.

*Martes sa Ikatatlumpu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

↑