Share the Thought by Msgr. Andro

26 November 2026

Kapag may positibong damdamin, positibo rin ang pagtingin. Nagsisimula ang ebanghelyo ngayon sa mga kakila-kilabot na magaganap sa kalawakan ngunit nagtatapos sa pag-asang dulot ng maringal na pagdating ng Anak ng Tao na siyang hudyat ng kaligtasan. Saan nakatuon ang ating pansin: sa takot o sa pag-asa? Nawa'y positibo ang ating kalooban. Positibo rin ang pananaw.

↑