Baka marami tayong "intindihin" sa buhay na ito at hindi na natin maintindihan ang paghahanda sa pagdating ng Panginoon. Kapag abala tayo sa makamundong isipin at gawain, maaari nating maisantabi kung hindi man tuluyang malimutan ang Diyos. Payo ng ebanghelyo ay manalangin tayo at maging handa. Kapag nagdarasal, natutuon ang pansin sa Diyos at hindi sa mga makamundong intindihin.
