Share the Thought by Msgr. Andro

29 November 2026

Adbiyento. Huwag na nating hintayin ang huling paghuhukom. Nagaganap ito araw-araw. Sa ating mga ginagawang pasya, tayo ang gumagawa ng kahatulan sa ating sarili.

Ang kahulugan ng salitang 'Adbiyento' (mula sa katagang Griego, 'parousia'; at sa Latin, 'adventum') ay 'pagdating' o 'presensya.'

Ang pagdating ng Diyos ay naganap na sa kasaysayan sa pagsilang ni Hesus. Ngunit muling magaganap ang kanyang pagdating sa katapusan ng panahon.

Sa pagitan ng dalawang pagdating, may isa pang anyo ng pagdating na makakubli at natatago. Si Hesus ay dumarating at nararanasan sa araw araw.

Maging andam at mapagbantay tayo. Masasalubong lang natin si Hesus nang marapat sa HULING ARAW kung kinakatagpo natin Siya sa BAWAT ARAW ng ating buhay.

Katagpuin natin si Hesus hindi lang sa loob ng Simbahan kundi sa ating pamayanan at sa mga tanda ng kasalukuyang panahon.

*Unang Linggo ng Adbiyento

↑