 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Mapalad' ni Msgr. Noel |
| 08 June 2020 |
| |
|
Yaman ba o salapi ang garantiya ng kasiyahan? Sigurado bang maligaya ang mga may pera at posisyon sa lipunan?
Sa kabaligtaran, ang mga kapus-palad ang itinuring ni Hesus na mapalad - hindi dahil sila ay kulang sa bagay, kundi dahil sila ay mayaman sa Diyos.
Sa biblia, ang maging dukha sa espiritu ay ang maging malaya para sa Diyos. Ang yaman ng mundo ay parang 'isnatser' - kaya nitong agawin ang ating puso sa Diyos. 'Our wealth has a strange way of stealing our hearts from God.' Dahil dito, isinalarawan ni Sto. Tomas ang pagbabagong buhay bilang "paglayo sa mga nilikha at paglapit sa Lumikha."
Hindi yaman, kundi Diyos, ang ating tunay na kapalaran.
*Lunes sa Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|