 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Ilaw' ni Msgr. Noel |
| 09 June 2020 |
| |
|
Ang mabuting tao ay parang 'stained glass' ng simbahan. Kapag nagsimula nang dumilim ang gabi, mas lumilitaw ang ganda nito dahil may liwanag itong nagmumula sa loob.
Sinabi sa ebanghelyo, kayo ang 'asin at ilaw' ng sanlibutan. Sa lipunang namihasa sa dilim at kasalanan, obligasyon ng bawat Kristiyano ang magbigay ng liwanag. Sa gitna ng mga taong nawawalan na ng lasa sa mga bagay tungkol sa Diyos, tungkulin nating maging 'asin' na magpapasidhi sa kanilang pagkauhaw sa bagay na makalangit.
Wika Papa Emerito Benedicto XVI, "the more Christians are different from the world, the more they become relevant to it." Kung ang ating gawi at pagpapahalaga ay umaayon din lamang sa kalakaran ng mundo, paano tayo magiging mabisang saksi sa ebanghelyo ni Kristo?
Dapat nating igiit ang pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano. Hindi dapat ikahiya ang paggawa ng mabuti. "Kung magkagayon, sisikat ang liwanag sa inyo, at kayoy matutulad sa bukang-liwayway..." (Isa. 58: 8)
*Martes sa Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|