 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Paglabag' ni Msgr. Noel |
| 10 June 2020 |
| |
|
Ang batas ng Diyos ay hindi pabigat o pahirap sa tao. Ito ay gabay sa ating pagtahak sa daan ng pagpapakatao. Sa pagsunod natin sa Diyos, nagaganap ang layunin ng ating pag-iral. Ayon sa kawikaang Latin, "agere sequitur esse" (action follows being). Dapat tayong kumilos ayon sa ating kalikasan at dangal bilang tao. Bilang mga nilikha, dapat tayong gumalaw ayon sa layunin ng Lumikha.
Hindi niloloob ng Diyos na tayo ay parusahan. Sa tuwing lumalabag tayo sa kanyang Utos, tayo ang nagdadala ng kaparusahan sa ating sarili. "He who breaks the law, breaks not the law, but himself."
Sa pagsuway, hindi tayo nagiging malaya. Nagiging alipin tayo ng masamang hilig at pita ng laman. Sa kabalintunaan, sa kasunuran, ipinapahayag natin ang ating kalayaan.
Sabi ni Hesus sa ebanghelyo, "Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang batas, kundi upang bigyan ito ng kaganapan."
*Miyerkules sa Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|