Sa Isang Salita: 'Pakikiapid' ni Msgr. Noel
12 June 2020
 
"May iba na siyang mahal. Sinisira niya ang pangako ng katapatan. May kahati na ang kanyang puso." Ganito ang pakiramdam ng pinagtataksilan.

Bawat kasalanan ay maaring ihambing sa pakikiapid. Ang isang taong nagkakasala ay namamangka sa dalawang ilog . Ipinagpapalit niya ang Diyos sa bagay. Sa halip na ituon ang buong pagmamahal sa Diyos, mas pinipili niya ang panandaliang aliw na dulot ng mundo.

Sagrado ang kasal. Sumasagisag ito sa bagay na banal: ang tipan ng Diyos sa tao. Ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan. Buong puso. Walang pasubali. Forever. Kaya ipinaalaala ni Hesus sa ebanghelyo, "ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao."

Ang pananagutan ng mag-asawa ay hindi lamang ang maging tapat sa isa't isa, kundi ang magpatunay sa katapatan ng Diyos sa tao. Sabi nga, "marriage is not about 'you and me'; it is about 'us and God.'"

*Biyernes sa Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN