 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Salita' ni Msgr. Noel |
| 13 June 2020 |
| |
|
"Ang isda ay nahuhuli sa dila." Nahahayag ang ating pagkatao sa pamamagitan ng ating mga sinasabi. Ang salita ay repleksyon ng ating pagkatao.
Madaling paniwalaan ang isang tao na "may isang salita." Sa kabilang dako, nasisira ang reputasyon ng taong "pabago-bago ang salita." May integridad ang tao na tumutupad sa kanyang salita.
Sa pilosopiya, ang depinisyon ng katotohanan ay ang "pagkakatugma ng salita sa ating isip." Ang pagiging totoo ay ang kaisahan ng salita at isip. Samantala, isang kasinungalingan ang pagbibitiw ng salita na taliwas sa nasa ating pag-iisip.
Mahalaga sa paghuhubog ng karakter ang pagsasabi ng totoo at pagtupad sa pangako. Subalit higit pa sa 'pagsasabi ng totoo,' ang dapat nating pagsumikapan ang 'maging totoo.'
Ang Kristiyanong moralidad ay hindi lamang nagtuturo sa ating 'GUMAWA ng mabuti,' ito ay daan upang tayo ay 'MAGING mabuti.'
*Sabado sa Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|