 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pasikat' ni Msgr. Noel |
| 17 June 2020 |
| |
|
Pasikat
"Gusto mo bang sumikat o kaya ay magpasikat, 'it's showtime.'" Binibigyang-buod ng commercial ad ng noontime show na ito ang galawan sa showbiz: hindi tunay, may script, may props at make-up para mag-mukhang totoo.
Hindi showbiz ang daan sa kabanalan. Ani Hesus, "pag-ingatan ninyo na hindi maging pakitang tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti." Puso at hindi anyo ang nagsasabi ng totoo. Loob at hindi labas ang tinitingnan ng Diyos sa tao.
Sabi sa isang post sa social media, "isipin mo muna ang tunay mong motibo, kung sa pagtulong mo sa iba, ang lagi mong hawak ang camera ng cellphone mo."
Anumang mabuti na ginawa natin nang lihim, gagantihin ng Diyos na nakaaalam ng tunay na nilalaman ng ating puso.
*Miyerkules sa Ikalabing-isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|