Sa Isang Salita: 'Tiwala' ni Msgr. Noel
18 June 2020
 
"In prayer, it is better to have a heart without words than words without a heart," wika ng isang spiritual writer. Sa nagtitiwala, di kailangan ang maraming salita. Ang pag-uusap ay puso sa puso. Mas nagkakauwaan ang walang maraming sinasabi. Presensya lang ay sapat na.

Ganito ang panalangin. Tiwala ang lenguahe ng puso. Alam na ng Diyos ang ating pangangailangan bago pa natin ito hingin sa kanya. Our God is a provident God.

Ang salitang "provide" at "providence" ay galing sa salitang Latin na "pro" at "videre" na ang kahulugan ay "to see beforehand." Kita na ng ating Ama sa langit ang ating niloloob bago pa natin ito isiwalat sa panalangin.

Tiwala lang. Ang Diyos ay Ama natin.

*Huwebes sa Ikalabing-isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN