Sa Isang Salita: 'Paghahanap' ni Msgr. Noel
19 June 2020
 
Hindi pwedeng magpahinga ang puso. Ikamamatay nito kapag tumigil sa pagkilos. Patuloy ito sa paghahanap. Magpapahinga lang kapag natagpuan ang 'true love.' Ganito tayo sa Diyos. Our hearts are restless until they rest in God, who is Love.

Pero ang Diyos ang unang nagmahal. Bago pa tayo, siya ang unang naghanap. Isinugo Niya ang kanyang Anak upang hanapin ang mga nawawala. Sa puso ni Hesus, nahayag ang awa at habag ng Diyos.

Sa ebanghelyo ay inilarawan ang puso ni Hesus sa halimbawa ng isang pastol. Handang nitong iwan ang siyamnapu't siyam para hanapin ang isang nawawala.

Wagas na pag-ibig. Handang iwan ang lahat para sa minamahal. Ganito si Hesus sa atin. Sana'y matularan natin ang kanyang puso sa pagkilos tungo sa lugar ng mga nawawala, nakakaligtaan at napapabayaan.

*Kapistahan ng Mahal na Puso ni Hesus

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN