Sa Isang Salita: "Tadhana" ni Msgr. Noel
24 June 2020
 
Bago pa man tayo isilang, may pangarap na ang Diyos. Tinawag Niya tayo sa ating pangalan. May plano ang Lumikha. May layunin ang ating pag-iral.

Ang pagdatal ng tao sa mundo ay hindi nagkataon lang . Nakatadhanang ang lahat ay maging bahagi ng kasaysayan ng pagliligtas.

Ganito ang istorya ng pagsilang ni Juan Bautista. "Magiging ano kaya ang batang ito... Sapagkat malinaw na sumasakanya ang Panginoon?"

Diyos ang nagpanukala, tayo ang gagawa. Bahagi tayo ng pangarap ng Diyos. May bahagi rin tayo sa kaganapan nito.

Sa aklat na Purpose-driven life, ipinaalaala ng may-akda na si Rick Warren: "Knowing your purpose simplifies your life. Your purpose becomes the standard you use to evaluate which activities are essential and which are not. A plain and simple life leads to peace of mind."

*Hunyo 24, Solemnidad ng Kapanganakan ni San Juan Bautista

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN