 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Online' ni Msgr. Noel |
| 27 June 2020 |
| |
|
'Walang malayong pook sa mga taong nagpi-Facebook.' Malayo man ay malapit din. Dahil sa power of technology, hindi naka-apekto ang 'physical distancing' sa ugnayan ng mga magkakaibigang nasa magkakahiwalay na lugar. Kahit nasa ibayong dagat, parang nandyan lang sila sa tabi natin - basta lagi lang naka-'online.'
Sa ebanghelyo, naganap ang 'distance healing' ng alipin na ipinamanhik kay Hesus ng kapitang Romano. Bagama't sa maraming pagkakataon, nagpagaling si Hesus sa pamamagitan ng paglapit, paghawak o paghipo sa mga maysakit, sa pagkakataong ito, ginanap niya ang pagpapagaling mula sa malayo.
Dahil sa panalanging may pananampalataya, naganap ang dagliang paggaling. 'Walang malayong lugar sa taong nagdarasal.' Pinaglalapit ng pananalig ang magkahiwalay na pook. Higit itong mabisa sa 'power of technology.' Kahit walang 'signal,' kapag tayo ay nagdadasal, lagi tayong kaugnay ng ating mga minamahal - parang nandiyan lang sila. Sa kapangyarihan ng panalangin, lagi tayong naka-online sa Diyos. Ramdam natin palagian ang kanyang presensya.
*Sabado sa Ikalabing dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|