 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Una' ni Msgr. Noel |
| 28 June 2020 |
| |
|
Tunay nga bang si Hesus ang number one sa ating buhay? Para kay Russell Sturgess, iisa lang ang sukatan: "How we spend our time and other resources is an indication of what we value."
Sinabi ni Hesus sa ebanghelyo, "ang sinumang nais umibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin." Sa lahat ng bagay, Diyos ang dapat mauna. Kahit ang pinakamatalik na ugnayan sa lupa ay hindi maaaring humigit sa pagmamahal natin sa Diyos.
Hanggang saan nga ba natin kayang maghandog ng sarili para sa Diyos? Kung talagang Diyos ang una sa ating buhay, dapat itong makita sa dami ng oras, yaman at dunong na ginugugol natin para itaguyod ang kanyang Paghahari.
"When we put God first, everything else will fall into place."
*Ikalabintatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|