Sa Isang Salita: 'Marupok' ni Msgr. Noel
29 June 2020
 
Higit na kilala si Pedro sa kanyang kahinaan kaysa kanyang kagalingan. Pero hindi ito naging hadlang para piliin siya ng Diyos bilang kauna-unahang punong-lingkod ng Simbahan. Ganito ang pamamaraan ng Diyos: hindi Niya pinipili ang mga marapat; sa halip, pinapagindapat niya ang kanyang mga pinili.

Kalimitan ang ating lakas at kagalingan ang nagiging ugat ng ating pagbagsak at kabiguan. Iba ang lohiko ng Diyos. Ang ating kahinaan ang ginagamit Niya upang ang mamayani ay ang kanyang lakas at kapangyarihan. Wika ni San Pablo, "it is in weakness that power reaches perfection."

"God uses broken things. It takes broken soil to produce a crop, broken clouds to give rain, broken grain to give bread, broken bread to give strength. It is the broken alabaster box that gives forth perfume." (V. Havner)

Sa larangan ng paglilingkod, higit na mahalaga ang katapatan kaysa tagumpay. Ganito ang naging buhay ng mga apostol San Pedro at San Pablo, na ngayon ay ipinagdiriwang ng buong Simbahan.

Sa ating katapatan, ang grasya ng Diyos ang magtatagumpay.

*Solemnidad ng mga Apostol na San Pedro at San Pablo

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN