Sa Isang Salita: 'Bangka' ni Msgr. Noel
30 June 2020
 
Sabi sa isang awit na pinasikat ng 'The Dawn:'

"Ating liliparin/ may harang mang sibat/ ating tatawirin daluyong ng dagat/
pagkat kasama mo ako/ iisang bangka tayo."

Inihahalintulad ng ebanghelyo ang Simbahan sa bangka ni Pedro. Sinasabukay ito ng mga alon at daluyong sa bawat yugto ng paglalakbay sa dagat ng kasaysayan.

Subalit hindi kaylanman mananaig ang takot at pangamba dahil nangako si Hesus ng kanyang presensya. Daig ng kapangyarihan ng Diyos ang lakas ng anumang bagyo o unos.

Kaya nating harapin ang panganib at mga pagsubok. Basta mangapit nang magkakasama tayong mga nanalig, hindi tayo bibitawan ng Panginoon sa panahon ng ligalig.

*Martes sa Ikalabing-tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN