Sa Isang Salita: 'Halaga' ni Msgr. Noel
01 July 2020
 
Dangal o yaman? Buhay o kabuhayan? Halaga ng tao o halaga ng pera?

Sa lipunang nahubog sa makamundong pananaw, marami ang nahuhulog sa tukso ng yaman at materyal na bagay. Ipinagpapalit ang pagpapahalagang moral sa panandaliang pag-unlad.

Nang pagalingin ni Hesus ang dalawang lalaking inaalihan ng mga demonyo, hinayaan niyang lumipat ang mga ito sa kawan ng mga baboy, na naging sanhi ng pagkahulog ng mga ito sa bangin at pagkalunod sa lawa.

Malaking halaga ang nawala. Libong baboy ang nalunod. Malaking kalugihan sa may-ari. Subalit ipinakita ni Hesus sa pagkakataong ito ang halaga at dangal ng tao. Nilikhang kawangis ng Diyos, bawat tao ay walang katumbas na halaga sa mundo.

Sa salita ni San Francisco de Sales, "The whole world is not worth one soul."

*Miyerkules sa Ikalabing tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN