Sa Isang Salita: 'Taya' ni Msgr. Noel
10 July 2020
 
Handang suungin ng isang nananalig ang lahat ng panganib. Ang sinumang nagpasya para kay Hesus ay handang magtaya ng buhay para sa kanyang aral. Ito ang isa sa patunay ng kredibilidad ng ebanghelyo: 'martyrion' (pagsaksi).

"Sinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat," babala ni Hesus sa kanyang mga alagad. Kapag ang kasamaan ay naging 'new normal' sa isang lipunan, nagmimistulang masama ang taong gumagawa ng kabutihan. Sa lugar ng mga mandaraya at tiwali, ang mga tapat at totoo ang inuusig at pinapatay.

Ang relihiyong Kristiyano ay hindi lamang tungkol sa ritwal at seremonyas. Ito ay isang pasya ng buhay. Ang nananampalataya ay tumaTAYA para sa Diyos at sa kanyang utos.

*Biyernes sa Ikalabing-apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN