 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Edukado' ni Msgr. Noel |
| 12 July 2020 |
| |
|
Hindi sa dami ng pinag-aralan nasusukat ang pagiging tunay na edukado. Sa buhay, ang karunungan ay nakikita sa kagandahang asal. Maging sa biblia, ang tuwid na pamumuhay ang sukatan ng karunungan. "To be wise is to be righteous."
Sa paaralan, itinuturo muna ang leksyon bago iangkop sa buhay. Sa pananampalataya, pagsasabuhay ng leksyon ang patunay na tayo ay may natutunan.
Tulad ng mga uri ng lupa sa Talinghaga ng Manghahasik, magkakaiba ang disposisyon ng mga taong nakikinig sa aral ni Kristo. Kahit maraming uri ng lupa ang nahasikan ng binhi, isa lang ang nagbigay ng saganang ani: ang mabuting lupa. Ang pagkaunawa sa Salita ay mabibigyang patunay ng ating paninidigan para sa katwiran. Ang "saganang bunga" ay makikita sa kabutihan ng ating pagkatao.
Sa harap ng pagsubok, lilitaw ang huwad at tunay na mananampalataya. Makikita ito sa mga Kristiyanong, sa kabila ng maraming pormasyong dinaluhan - homiliya, seminar, at mga banal na pagsasanay - ay nagagawa pa ring ipagpalit ang aral at dangal sa mga bagay na materyal.
Subalit hindi dapat tumigil ang Simbahan sa pangangaral. Hindi humihinto ang Manghahasik sa pagpapalaganap ng binhi ng Salita.
*Ikalabinlimang Linggo sa Karaniwang Panahon
|
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|