Sa Isang Salita: 'Touchstone' ni Msgr. Noel
25 July 2020
 
Noong una, gumagamit ang tao ng bato (haspe) upang kilatisin kung alin sa mga metal ang lantay o huwad na ginto. 'Touchstone' ang tawag dito. Kay Hesus, may isa lang mahalagang 'touchstone' sa huling araw para kilatisin kung sino ang peke at at kung sino ang 'genuine.' Ito ay ang kakayahang magbigay ng bunga.

Sabi ng isang spiritual writer: "God's judgments take note only of the unconscious moments of our lives, the times when we are off guard.... It is then that we truly reveal ourselves." Ito yung mga pagkakataon na walang nagmamasid, walang CCTV, walang media. Ang mga pagkakataong ganito ay nagbubunyag ng ating tunay na pagkatao.

Mahirap malaman sa pasimula kung alin ang trigo at alin ang masamang damo. Tumutubo ito nang sabay na halos magkamukha.

Sa panahon ng anihan, malalantad ang totoo. May dulot na saganang bunga ang trigo, samantalang ang masamang damo ay wala. Bukod pa rito, hindi matumbasan ng damo ng karampatang pakinabang ang paggamit niya sa espasyo at sustansya ng lupa. Naaagawan pa nga niya ng pataba ang trigo.

Tama ang kasabihang, "Ang paggawa natin ng mabuti ay isang anyo ng pagbabayad natin ng 'upa' sa hiram nating lugar dito sa mundo."

*Sabado sa Ikalabing-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN