Sa Isang Salita: 'Pandemya' ni Msgr. Noel
26 July 2020
 
Lumilitaw ang totoo sa atin sa panahon ng kagipitan. Kung paanong ang ginto ay sinusubok sa apoy, nahahayag naman ang karakter ng isang tao sa panahon ng krisis.

Ani Papa Francisco, this time of Covid19 pandemic is "a time to choose what matters and what passes away, a time to separate what is necessary from what is not."

Nakakalungkot isipin na sa panahong ito ng krisis, mas pinipili ng ilang nasa kapangyarihan ang pagsusulong ng pansariling interes kaysa kabutihan ng mamamayan. Tila hindi pa sapat ang pandemya para magising at magbagong buhay.

Sa ebanghelyo, ipinaaalaala sa atin na piliin ang tunay na mahalaga. Tulad ng mamahaling perlas, ang Kaharian ng Diyos ay walang katumbas na halaga sa lupa. Dapat handa tayong iwan ang lahat para makamit ito.

Ang dinaranas nating pandemya ay isang okasyon upang muling tuklasin ang mga pagpapahalagang nakakalimutan na ng tao - pagkalimot na nagdala sa atin sa kinakaharap nating krisis.

Walang pinakaangkop na panahon kundi ngayon upang iwasto ang mga pagkakamaling ating nagawa sa ating kaugnayan sa Diyos, sa kapwa, sa ating mundo na tinawag ng Papa na ating tahanan.

*Ikalabing pitong Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN