 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Dawag' ni Msgr. Noel |
| 28 July 2020 |
| |
|
Dawag
Sa bawat gubat ay may ahas. Sa Labindalawang Apostol ay may Judas. Sa taniman ng trigo ay may dawag.
Ipinaliwanag ng talinghaga tungkol sa "masasamang damo sa bukid" ang pag-iral ng kasamaan sa mundo. Patuloy na kumikilos ang pwersa ng kadiliman. Tila nais nitong talunin ang pamamayani ng kabutihan.
Ang ating puso ay isang lugar kung saan naglalaban ang dilim at liwanag. Kapwa trigo at dawag ang nakapunla dito. Sa kaibuturan ng puso ng tao, una nating nararanasan ang pagtutunggali ng kasamaan at kabutihan.
Sa bawat paggawa natin ng masama, pinalalakas at pinatitingkad natin ang presensya ng kasamaan sa ating lipunan. Hindi tayo dapat mawalan ng loob sa paggawa ng mabuti. Wika ni San Pablo: "Do not be overcome by evil; overcome evil with good."
*Martes sa Ikalabing pitong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|