Sa Isang Salita: 'Tinapay' ni Msgr. Noel
02 August 2020
 
Ang pagkain ay nagiging salu-salo kapag ito ay ibinahagi sa hapag. A bread becomes 'more bread' when it is broken. Anang isang may akda: "When 'I' is replaced by 'we,' even illness becomes wellness."

Ang Himala ng Pagpaparami ng Tinapay ay larawan ng Eukaristiya na nag-aanyaya sa lahat na magbahagi sa iba at maging mabuting katiwala ng pagpapala.

Ang tinapay ay sagisag rin ng buhay. "Bread" ang tawag natin sa sahod o kita, at "breadwinner" ang naghahanap-buhay para sa pamilya. Sa ating pagmamagandang loob, hindi lang bagay, kundi buhay, ang ating ibinabahagi.

Taliwas sa diwa ng pagbabahagi ang iresponsableng paggamit ng mga bagay sa daigdig. Sabi ni Papa Francisco: labanan natin ang culture of waste... : throwing food away is like stealing from the tables of the poor, the hungry!"

Sa mas malalim na kahulugan, ang tinapay ay sagisag ng biyaya at lahat ng pagpapalang galing sa Diyos. Ang mag-aksaya ng pera sa walang kapararakang paggasta ay insulto sa mga dukha. Ang pagsira sa kalikasan at pagpayag sa gawaing ito ay pagnanakaw sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Ngayong panahon ng pandemya, ginigising ng Eukaristiya ang ating budhi para makiisa sa katayuan ng mga kapus-palad. Si Kristo bilang Tinapay ng Buhay ay kaisa ng sambayanang nagugutom at nauuhaw sa katarungan at kapayapaan.

*Ikalabing walong Linggo ng Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN