 |
| |
| |
| Sa Isang Salita" 'Pagsubok' ni Msgr. Noel |
| 05 August 2020 |
| |
|
Ang pagdarasal ay parang pagsusulit. Sinusubok ng Diyos ang ating tiyaga. Hindi agad ipinagkakaloob ang ating hinihiling. Tinuturuan ang ating puso na maghintay. Kailangang malampasan natin ang mga pagsubok.
Ganito ang dinanas ng babaeng Cananea. Matindi ang kanyang pagsamo. Ang nais lamang niya ay pagalingin ang kanyang anak. Hindi siya pinapansin ni Hesus. Sinabi pa nito: "Hindi dapat ibigay sa mga aso ang mga bagay na nauukol sa mga anak."
Sa panahon ng pagsubok, lumilitaw ang tunay at dalisay sa ating pagkatao. Nakapasá ang babae sa pagsusulit. Humanga si Hesus sa laki ng kanyang pananalig.
"Faith is the strength of man and the weakness of God." Malambot ang puso ng Diyos sa mga taong ang pananalig ay lubos.
*Miyerkules sa Ikalabing-walong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|