Sa Isang Salita: 'Gitna' ni Msgr. Noel
12 August 2020
 
"Nasaan ba ang Diyos?" Sa Lumang Tipan, pinaniniwalaan ng mga Judio na ang presensya ng Diyos ay nasa Templo. Banal na Lungsod ang turing nila sa Jerusalem kung nasaan ng kanilang templo. Isa itong lugar na dinadayo ng mga Judio para sumamba.

Sa ebanghelyo, inihayag ni Hesus: kung saan "may dalawa o tatlo na nagkakatipon sa aking pangalan, naroon ako sa gitna nila." Sa kaisahan ng sambayanang nagpupuri, naroon ang Diyos. Sa gitna ng komunidad ng mga nananalig, tunay at buhay si Hesus.

Hindi na lang pook o lugar, kundi tayong bumubuo ng sambayanang pinaghaharian ng diwa ng ebanghelyo, ang Templong pinanahanan ng presensya ng Diyos.

Wala sa iyo o sa akin ang pananahan ni Hesus. Siya ay nasa 'gitna' natin sa pagkakaisa ng puso at isipan. Nanahan ang kanyang diwa sa gitna ng sambayanan kung saan namamayani ang pag-ibig at paglingap.

*Miyerkules sa Ikalabing siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN