Sa Isang Salita: 'Makulit' ni Msgr. Noel
16 August 2020
 
Hindi masama ang maging makulit sa pananalangin. Isa itong pagpapahayag ng ating simple at tapat na pananalig. Tulad ng bata, tayo ay nanghahawakan sa kagandahang loob ng ating Ama.

Sa ebanghelyo, hindi tumigil ang babaeng Cananea sa pagsusumamo kay Hesus na pagalingin ang kanyang anak na inaalihan ng demonyo. Hindi siya natinag sa kanyang pananalig sa kabila ng tila pagwawalang-bahala ni Hesus sa kanyang paghibik.

Walang anumang hadlang at pagsubok ang maaaring pumigil sa taong wagas ang pananalig. Kung tila nagtatagal ang pagtugon ng Diyos sa ating dasal, ito ay upang sanayin ang ating puso at iayon ang ating kagustuhan sa kalooban niya.

Higit na dakilang biyaya ang nakalaan sa mga mga marunong magtiyaga.

*Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN