🎧 Pakinggan · Listen
Panginoong Hesus, linisin Mo ang aming puso upang maging tunay na tahanan ng Iyong presensya at pag-ibig. Ilayo Mo kami sa mga bagay na nagpapalayo sa amin sa Iyo, at alisin ang anumang kasakiman, pagmamataas, at pagkukunwari sa aming buhay. Turuan Mo kaming pahalagahan ang panalangin, makinig sa Iyong Salita, at isabuhay ito sa aming araw-araw na pagkilos. Nawa'y maging instrumento kami ng Iyong kabutihan at maging buhay na saksi ng Iyong pagmamahal. Amen.
— Oscar Camara · Diocese of Lucena
