🎧 Pakinggan · Listen
Ama naming Diyos, sa pagpapatuloy ng aming araw, gawin Mo kaming banal na tahanan ng Iyong presensya, malinis sa kasalanan at tapat sa Iyong kalooban. Sa pamamagitan ni Hesukristo, Iyong Anak, bigyan Mo kami ng lakas ng loob na talikuran ang anumang humahadlang sa aming pananampalataya at isabuhay ang Iyong Salita sa bawat kilos at pagpapasya. Sa tulong ng Espiritu Santo, gabayan Mo ang aming mga puso upang maging daluyan ng Iyong pagmamahal, kabutihan, at kapayapaan sa aming kapwa. Nawa'y ang aming buhay ay maging handog na kalugud-lugod sa Iyo. Ito ang aming dalangin sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo. Amen.
— Oscar Camara · Diocese of Lucena
